"what the pack!"
BABALA:ginamitan ang mga sumusunod na teksto ng wikang tagalog upang lubusang maipahayag ng tagapagpahayag (awtor) ang kanyang mga saloobin, opinyon at mga ideya paukol sa isang pangyayaring naganap kani-kanina lamang...sinadyang ibahin ang mga pangalan na mga nasabing tauhan upang sila ay protektahan.
BETTER LIVING PEEPS! siguro alam niyo na. ito tlaga sobrang ikinagulat ko, ipinagngingit-ngit, at pinuputok ng buchi ko! grabe sobra na sa kakapalan at kagarapal yang mga tricyle drivers na yan...biruin mo they now charge a special trip for 8 pesos more than the usual...ang kapal talaga! eh ung mga jeepney drivers nga nung ngincrease P1.50- 2.00 lang tapos sila ang kapal at naningil 4x more...bakit gawa ba sa ginto yung mga trike nila, aircon ba! eh mas mauusukan ka pa nga eh sa trike kaysa sa jeep eh..
mantakin mo to dati nagbabayad na ako ng P21 para sa isang special trip galing Shoemart bicutan hanggang sa bahay...kalubusan na nga yung kung tutuusin kasi ang lapit lapit ng smb eh...pero siyempre wala kong nagawa alangan naman maglakad ako di ba...(yikes ang init init kaya eh kung mangitim ako) pero ngayon actually kanina ko lang nalaman nang magbabayad na ko, nung iaabot ko na ung P21 pinaghirapan kong ipunin, na hindi pa ako kumain para lamang makapag tricycle (eksaherado!) bigla ba naman ayaw tanggapin ng walang hiyang driber na yan yung bayad ko at sinabi, "nagtaas na po ng 8 piso w/ matching turo pa dun sa matrix niya na pagkaliit-liit nman"
grabe natigilan talga ako non, siguro natulala ako for mga 10 seconds kasi di talaga ako makapaniwala na P29.00 na. pero siyempre wala naman akong choice kasi na-avail ko na ung "services" niya. buong panghihinayang kong inabot sa kanya ang aking bayad pakiramdam ko ako yung batang bumili ng lobo na lumipad sa langit di ko na nakita pumutok na pala sayang ang pera pinangbili ng lobo kung pagkain sana nabusog pa ako (wala lang!) ganon ganon ang naramdaman ko! tapos naisip ko kung saan saan ko pa sana pewede i spend ung pera na yun..tsk..tsk...
sana naman wag niyo isipin na ang kuripot ko..ang sakin lang sana hindi sila sobrang hayok sa salapi na umaabot na sa puntong hindi na makatarungan ang pagtataas na ginagawa nila..hindi nman ako tumututol sa pagtataas ng mga presyo eh..alam ko kailangan din nila yung pera dahil mahirap na ang buhay ngayon. pero sana maisip din nila na hindi lang sila ang nahihirapan! na tayong lahat ang apektado.. sa kin lang dapat na sa lugar...ni walang ngang abiso o pasabi ung ginawa nila bigla nalng siang araw nagtaas na pala sila...
kaya ngayon napagdesisyonan ko nang hindi na ko magiispesyal trip...ito ang aking paraan ng pagaalsa (parang yeast?) kaya kung makikita niyo ko na naglalakad eh alam niyo na kung bakit..sana ay huwag natin hayaan ang mga di makatarungan mga bagay na tulad ng ganito.