note:sa pangalawang pagkakataon ay hinihiling ko sa aking mga masugid na mga tagasubaybay at tagabasa ng aking blag (hindi ko kasi alam kung ano ang nararapat na termino?!?!) na hayaan ninyo akong magsulat gamit ang ating sariling wika, upang lubos kong maiyahag at mailahad ang mga kahindik-hindik at nakaririmarim na mga pangyayaring naganap sa aking buhay di katagalan lamang...
grabe, tunay ngang palapit na ng palapit ang pasko...parang kailan lang ay sabay sabay tayong nag-abang, nagpuyat, nagpaputok, naki-nuod ng paputok, at naputukan... at sabay-sabay din tayong nag-countdown at sumigaw ng maligayang bagong taon. nagsisimula pa lamang ang unang araw ng taon noon, pero heto nanaman at unti unti na nating inilalabas ang ating mga "pambatong" mga palamuti at ina-alikabok na dekorasyon. (senti mode)
kasabay rin nito ay ang paglabas at pagsulpot din ng mga hayok at mga halang ang bituka mga masasamang loob, na walang pakundangang gumagawa ng iba't ibang klaseng kaululan at kahayupan sa mga walang kamalay-malay at inosenteng mga nilalang sa mundong ibabaw...haay! pasko na nga talaga sa pilipinas!
kanina lang, habang papauwi na ako galing eskwelahan. nakasakay ako sa dyip sa may EDSA corner taft sa ilaim ng MRT at LRT, nang may sumakay na dalawang lalaki, kapansin-pansin talaga ang mga lalaking ito dahil sa taglay nilang putok (major putok talaga! yung tipong hino-hold muna yung breath mo pero somehow, someway yung pamatay na amoy ay nanunuot sa ilong...sobrang TOXIC!). and guess what...sa tabi ko pa talaga naisipan umupo ng dalawa..akalain mo yun ang kapal di ba? nung una di ko naman masyado pinapansin kasi tolerable pa...pero ng unti-unti nang napupuno ang dyip ay ramdam na ramdam ko na ang hilo dulot ng sang-sang ng putok niya. tinry ko lumipat sa kabilang side pero di ako nagtagumpay. kaya iyon pinilit ko nalang tiisin, habang nag-gagasp for air dun sa may window.
sobrang pikon na pikon lang ako kasi, hello hindi naman lingid sa kanya at sa lahat na may putok siya tapos ang lakas pa ng loob niyang itaas yung kamay niya at kumapit dun sa baras. ang kapal di ba? sa kin lang a..courtesy lang di ba sa mga ibang tao na gustong makalanghap ng sariwang hangin?
well nandun na nga ko..nakasanayan ko na kasi kapag nagcocommute ako na obserbahan ang mga tao sa paligid ko, lalong lalo na yung mga taong katabi ko. parati kong chine-check yung mga kamay nila, dapat parating "visible" o nakikita, mahirap na di ba? pero yung mga panahong iyon, di ko mapagmatyagan si manong putok kasi di nga ako makahinga di ba...so yun habang nagbabiyahe eh nakadungaw ako dun sa may bintana habang akap-akap ko ang aking pinakamamahal na bag, ng naramdaman kong parang gumalaw yung cellphone ko sa bulsa, inisip ko hindi naman ako naka-vibrate mode tsaka iba yung pakiramdam ng pag-galaw, hindi siya normal. kaya't agad-agad akong yumuko upang i-check at tingnan yung hita ko..ng sumambulat sa akin ang mahiwagang bag ni manong (kino-cover niya na yung left pocket)...at ng tingnan ko ang mga kamay niya... isa na lang ang aking nakita (yung isa tinatakloban ng bag)...tsk tsk tsk...
napa-iling na lang ako..magkahalong galit at kaba ang aking naramdaman...gusto ko magsisigaw at paghahampasin si manong putok pero naunahan ako ng hiya at takot (alam ko! kung tutuusin siya ang dapat mahiya!!!) pero wala naman akong konkretong katibayan..tanging ang kamuntikang pagnanakaw lang ang pinanghahawakan ko...sobrang galit na galit ako ng mga panahong iyon, pero wala akong nagawa..ang tanging nagawa ko lang ay ang ilipat ang cellphone sa kabilang bulsa at titigan sila ng masama...buti na lamang ay may sumakay na di katandaang lalaki...at least di ba di na kami magkatabi...nung mga panahon na iyon ay naging sobrang paranoid na ko at pinagmamatyagan ko na ang aking buong paligid. Nang makita kong muli na ianattempt ni manong putok na gawin ang masama niyang balak, walang kamalay-malay yung lalaki na ninakawan na siya...sobrang nakokonsensya ako kasi sa pangalawang pagkakataon ay wala nanaman akong ginawa. hindi ko man lamang sila pinigilan o di kaya nagawang bigyan siya ng babala...sobrang guilting guilty ako..
nakalulungkot lamang na isipin na oo nga't magpapasko, ngunit ang daming namang tao ang ina-agrabyado at pinagsasamantalahan upang makamit lang ang kani-kanilang gusto. sapat na nga bang dahilan ang kahirapan o ang pagkagipit upang sila'y sa patalim ay kumapit?(parang essay writing contest?)